Ginoong Agustin Vista

Talambuhay ni Ginoong Agustin Vista

(ni Konsehala Rufina S. Vista)

Sa kasaysayan ng maliit na bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Laguna, ang pangalan ni Ginoong Agustin Vista ay may malaking kaugnayan sa katuparan sa pagiging bayan nito mula sa dating pagiging nayon na sakop ng bayan ng Nagkarlan. Dahilan sa kanyang tapat na paglilingkod sa kapakanan ng bayan ay marapat lamang na kilalanin at maunawaan ng bawat isang mamamayan ng Rizal ang buhay at pagkatao ng dakilang lalaking ito.

Siya ay kumita ng unang liwanag sa nayon ng Pook sa baying ito noong ika-5 araw ng Mayo 1871. Panganay siya sa limang naging anak ng mag-asawang Juan Vista at Ciriaca Urriquia. Nagpasimula siyang mag-aral sa pamamagitan ng mga guro ng kartilya at maging sa paaralang-bayan sa Nagkarlan sa panahon ng Kastila. Nag-aral din siya ng kaunting panahon sa Maynila sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Nagsikap din siyang mag-aral at matutu ng wikang ingles ng panahon ng mga amerikano. Sa panahon pa lamang ng kanyang pag-aaral ay kinapansinan na siya ng mga katangiang likas lamang sa mga taong magiging tunay at mabuting lider ng bayan.

Nakaisang-palad niya si Cecilia Isles na anak ng mag-asawang Eleuterio isles at Maria Urtola, datapwa’t hindi nagkapalad na magkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

Nang taong 1918, si Ginoong Agustin Vista ay nanungkulan bilang isang halal na konsehal ng Nagkarlan. Sa pakikipag-ugnayan niya kay Ginoong Fortunato Arban, at sa tulong nina Senador Don Pedro Guevarra at Diputado Crisanto Guysayco ang mga nayon ng Antipolo, Talaga, Tala, Pauli, Entablado, Laguan, Tuy at Pook ay binuo upang maging malayang munsipya ng Rizal. Ang katuparan ng pagiging bayan ng Rizal ay ipinahayag sa pamamagitan ng isang “Orden Ejecutivo” ng Gobernador-General ng Amerikanong si Charles Yeater. Sa bisa ng proklamasyong ito ay naging bayan ang Rizal mula noong unang araw ng Enero 1919.

Si Ginoong Agustin Vista ay naglingkon bilang Bise-Presidente mula noong 1919 hanggang 1922. Nahalal siyang Punong-bayan noong 1922 hanggang 1925. Noong mga unang araw ng “Common Wealth” ang butiihing kabiyak ng puso niya si Ginang Cecilia Isles ay binawianng buhay. Samantalang siya’y Viudo ay muli siyang nahalal na Alkalde Munisipal ng taong 1937 hanggang 1940. Sa nalolooban ng pahahong ito siya’y muling nakapag-asawa kay Ginang Nazaria Isles viuda de Reolada, na isang konsehala ng bayan ng Rizal.

Matagal din naman ang panahong ipinagsama ng mag-asawang ito, bagaman at nang huling araw nila kapwa sila namahinga sa larangan ng pulitika. Noong ika 10 ng Mayo 1960 sa gitna ng pagdadalamhati ng bayan, si Ginoong Agustin Vista ay inagaw ni kamatayan sa luksang pangungulila ng kanyang mga kababayan datapwa’t namatay man ang lalaking ito ay mananatiling buhay sa pusot ala-ala na kanyang mga kababayan ang mabubuting nagawa niya para sa bayan, mga paglilingkod niya na mamamalaging bahagi ng kasaysayan ng bayan ng Rizal noon, ngayon, at kalian man.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: